Sa Mundong Bilog..
October 30, 2009Naisip ko lang, bakit nga ba ako naguguluhan. Isip ko’y litung-lito sa mga bagay na wala namang kabuluhan (sa tingin ko). Nais ko lang naman mabuhay ng naaayon sa gusto ko, hindi kung ano ang gusto ng mga tao para sa’kin. Minsan tinatanong ko, pano na kaya ako sa mga darating na taon?Ano kaya ang aking kalagayan sa pagdating ng mga panahong kinatatakutan kong malapit na ring dumating. Natatakot akong isipin na di magtatagal, akin iyong sasapitin ngunit wala naman akong magawa, tadhana nga, ika nila. Pilitin ko mang maging matapang, isipin na wala lang, ngunit meron sa loob ko na pilit akong ginagambala. Sinasabi nito na ako’y maghanda. Oh god! natatakot na talaga ako.
Ayoko ng matakot, ayoko ng mangamba. Sa oras na iya’y dumating, akin na lang haharapin. Iyan ang magiging pananaw ko. Upang sa aking paghihintay, sa pangyayaring yaon, Akin namang malasap ang mamuhay ng walang iniisip na pangamba na naghihintay sa paglipas ng panahon at pagdaan ng mga taon. Ninanais ko lamang na mabuhay sa piling ng mga taong minamahal ko. Mga taong mahal ko, ngunit di ko alam kung mahal ba talaga ako. Wala na akong pakialam sa kanilang nararamdaman, basta ang alam ko, mahal ko sila.
Gusto ko ng makalaya, sa aking pagkakakulong. Matagal na akong bihag ng kaisipang ito. Ayoko ng isipin pa ang aking kahihinatnan. Ayoko ng damdamin pa ang aking kahinaan. Sana ay lagi ka na lang nandiyan. Nanginginig na ako. Gusto ko namang maramdaman ang init ng iyong yakap. Ayoko ng mag-isa, sa akin ka na lang sinta. Ano ba itong sinasabi ko? Nahihibang na ata ako.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

































































